Tuesday, February 17, 2009

Alat

Alat
Joseph T. Salazar

Ang dunong
na kanyang
inililihim
ay kasing
lawak ng asin:

Binhi
ng buhay
sa ilalim
ng tubig.

Talim
na sumusugat
sa nanuyot
na lupain.

At hibla
na sumasaplot
sa tabang
na ayaw
nating tanggapin.

Nakamamanghang
isipin
na kung
masusunod
ko lamang
ang kanyang
tagubilin,
makakaya kong
lunukin
ang lahat--

Ang buong
dagat
at anumang
misteryo
na kanyang
isisiwalat.

No comments: