Alam ko nababasa mo na to, kaya hayaan mong pasalamatan kita. Kahapon, nung umulan, hinubad mo ung jacket mo para pagsilungan natin. Sabi ko bale wala yun kasi ililigo din natin ang panandaliang dampi ng ulan. Pero sa totoo lang, masaya kong katabi ka sa ilalim ng jacket mong isang linggo mo nang di pinalabhan.
Pati nung hinila kita papuntang admin building para tapusin ko yung interview assignment ko. Hindi mo naman kailangan gawin yun pero sumama ka pa rin. Umupo ka lang dun at nagmukhang magsasaka sa bandana mo. Di ka nabore, at nagtanung-tanong ka din sa kausap ko. Ginawa mong masaya ang isang boring na trabaho.
At nung natulog tayo nung isang hapong umuulan sa bundok, nalaman mong giniginaw ako, kaya paggising ko, ibinalot mo sa akin ang kumot na pilit mong inaagaw pag tulog ka. Maya-maya, inakap mo na ko nang husto. Ang sarap ng tulog ko nun.
Baka kasi isipin mo, hindi ko napapansin ang maliliit na bagay. Hindi. Naaalala, ko lahat yun. :)
p.s. pag tinukso mo kong ang cheesy-cheesy ko...lagot ka sa kin. ;p
Friday, May 16, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment